Bilang ng nagawa at naibentang bagong-enerhiyang sasakyang de motor ng Tsina noong 2019, lampas sa 1.2 milyon

Share with:

Bilang ng nagawa at naibentang bagong-enerhiyang sasakyang de motor ng Tsina noong 2019, lampas sa 1.2 milyon

Si Miao Wei, Ministro ng Industriya at Impormasyon ng Tsina

Sa China EV100 Forum (2020) na ginanap kamakailan sa Beijing, ipinahayag ni Miao Wei, Ministro ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, na noong isang taon, lumampas sa 1.2 milyon ang bilang ng nagawa at naibentang mga new energy na sasakyan ng Tsina. Aniya, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng naturang uri ng sasakyang de motor.

Ani Miao, noong 2019, sa epekto ng mga elementong gaya ng sobrang malaking presyur mula sa makro-ekonomiya, at resesyon ng kaukulang polisiya, bumaba ang bilang ng mga nagawa at naibentang new energy na sasakyan. Ngunit, nananatili pa ring moderno ang katayuan ng Tsina sa usaping ito sa daigdig, aniya.

Saad pa niya, sa kasalukuyan, taglay ng Tsina ang pinakamalaking new energy vehicle market, at pinakakumpletong sistemang pang-industriya, kaya lumalaki ang ilang mahuhusay na kompanyang may kakayahang kompetitibo sa daigdig.

Salin: Li Feng

Please select the login method