Nitong Huwebes, Enero 16, 2020, ipinahayag ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Rusya ay hindi naaapektuhan ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig at kani-kanilang prosesong pulitikal sa loob ng bansa.
Noong Enero 15 (local time), biglang ipinatalastas ni Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya ang kapasiyahang magbitiw sa tungkulin ang lahat ng opisyal ng pamahalaang Ruso. Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng na ang kolektibong pagbibitiw ni Medvedev at pamahalaang Ruso ay suliraning panloob ng Rusya. Bilang mapagkaibigang kapitbansa, ganap itong ginagalang ng panig Tsino, ani Geng.
Salin: Li Feng