Sabado, Enero 18, 2020, nagpadala ng mensaheng pambati sa isa't-isa sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng bansa bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam.
Sa mensahe, ipinagdiinan ni Xi na kasalukuyang kinakaharap ng daigdig ang walang-katulad na pagbabago, at pumasok na ang relasyong Sino-Biyetnames sa masusing panahon. Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Biyetnam, para walang humpay na mapasulong ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, dagdag ng pangulong Tsino.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Nguyen Phu Trọng na ang walang humpay na pagpapatibay at pagpapaunlad ng relasyong Biyetnames-Sino ay historikal na responsibilidad na magkasanib na isinasabalikat ng dalawang bansa. Ito aniya ay angkop sa komong mithiin ng kanilang mga mamamayan.
Nang araw ring iyon, ipinadala rin nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Nguyễn Xuân Phúc ng Biyetnam ang mensaheng pambati sa isa't-isa bilang pagdiriwang sa nasabing okasyon.
Salin: Li Feng