Luntiang pag-unlad ng bayang Shicheng ng Tsina, itinataguyod ng turismo

Share with:

Luntiang pag-unlad ng bayang Shicheng ng Tsina, itinataguyod ng turismo

Ang bayang Shicheng ng probinsyang Jiangxi ng Tsina ay bantog dahil ito'y "napaliligiran ng mga bundok at bato, na parang isang batong lunsod." Mayaman at espesyal ang mga pinagkukunang panturismo ng bayang ito. Ito ay hindi lamang mahalagang pinagmulan ng Long March ng Red Army at pinagmulan ng Ilog Ganjiang — Inang Ilog ng probinsyang Jiangxi, kundi maging mahalagang pinag-ugatan at transfer station ng Hakka, etnikong nasyonalidad ng Tsina.

Luntiang pag-unlad ng bayang Shicheng ng Tsina, itinataguyod ng turismo

Isinusulong nang malaki ng magandang tanawin ng kanayunan at kompletong imprastruktura ang industriyang panturismo sa lokalidad. Bukod dito, aktibong isinasagawa ng bayang Shicheng ang mga proyektong naglalayong mapayaman ang mga residente sa pamamagitan ng turismo. Bunga nito, nakapasok ang 1,160 mahirap na pamilyang lokal sa tourism industry chains para masakatuparan ang pag-aalis ng karalitaan at paglaki ng kita.

Luntiang pag-unlad ng bayang Shicheng ng Tsina, itinataguyod ng turismo

Ayon sa estratehiya ng "pagpapalakas ng bayan sa pamamagitan ng turismo," buong sikap na itinataguyod ng pamahalaan ng bayang Shicheng ang konstruksyon ng purok na panturismo, at inilabas ang tatlong linyang panturismo na kinabibilangan ng "luntiang ekolohiya," "puting kultura," at "kaugalian ng Hakka" na nakakaakit ng napakaraming turista.

Salin: Li Feng

Please select the login method