Tsina, nananatiling ikalawang may pinakamalaking natanggap na FDI

Share with:

Ayon sa pinakahuling Global Investment Trends Monitor na ipinalabas Enero 20, 2020, ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), umabot sa 140 bilyong dolyares ang puhunang dayuhan na inilagak sa Tsina noong 2019. Ang Tsina ay nananatiling ikalawang may pinakamalaking natanggap na Foreign Direct Investment (FDI).

Samantala tinaya ng naturang ulat na sa 2020, bahagyang lalaki ang mga direktang puhunang dayuhan sa buong mundo. Pero maapektuhan ng geopolitics at proteksyonismo ng ilang ekonomiya ang pamumhunang pandaigdig.

Salin:Sarah

Please select the login method