Bilang ng mga manonood sa 2020 Spring Festival Gala ng CMG, lumampas sa 1.2 bilyon

Share with:

Bilang ng mga manonood sa 2020 Spring Festival Gala ng CMG, lumampas sa 1.2 bilyon

Kasiya-siyang isinahimpapawid kamakailan ang "2020 Spring Festival Gala" ng China Media Group (CMG), at nakalikha ito ng bagong rekord ng transmedia communication. Ipinakikita ng nasabing gala na hindi lamang responsibilidad ng CMG ang maging pangunahing media ng bansa, kundi isagawa ang kaakit-akit, masigla at inobatibong Spring Festival Gala sa bagong siglo.

Bilang ng mga manonood sa 2020 Spring Festival Gala ng CMG, lumampas sa 1.2 bilyon

Ayon sa estadistika, noong New Year's Eve, isinagawa ng 225 TV channels ng Tsina ang pagpapalabas sa nasabing gala, at isinagawa rin ng halos 600 media ng mahigit 170 bansa't rehiyon ang live coverage sa gala. Sa panahon ng live coverage, sa pamamagitan ng transmedia na gaya ng telebisyon, online, at social media, mahigit 1.23 bilyong mamamayan mula sa loob at labas ng Tsina ang nanood sa nasabing gala.

Salin: Li Feng

Please select the login method