Tsina: pipigilan ang paglaganap ng epidemya pagkatapos ng Spring Festival

Share with:

Nangulo Enero 31, 2020, si Li Keqiang, Premyer ng Tsina at Puno ng leading team ng working group ng Komite Sentral ng Partido komunista ng Tsina (CPC) sa pagharap ng epidemiya, ng pulong ng leading team. Lumahok sa pulong si Wang Huning, Pangalawang Puno ng leading team.

Tinukoy ng pulong na matatapos na ang Spring Festival Holiday, kaya napakahalaga ng pagpigil sa paglaganap ng novel coronavirus sa mga nagbabalik na bakasyunista. Dapat mataimtim na isakatuparan ng iba't ibang kinauukulang departamento ang mga mahalagang kautusan at diwa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa paglaban sa epidemya, gawing nang mabuti ang mga kinauukulang gawain, para malakas na pigilan ang lalo pang paglaganap ng epidemya.

Salin: Sarah

Please select the login method