CMG Komentrayo: sobrang reaksyon ng Amerika, hadlang sa kooperasyong pandaigdig kontra epidemiya ng 2019-nCov

Share with:

Sa kasalukuyan, pinapabilis ng Tsina ang pagpuksa sa epidemiya ng pneumonia na dulot ng novel coronavirus (2019-nCov).

Sa kabilang dako, tuluy-tuloy namang ipinagkakaloob ng komunidad ng daigdig ang tulong at suporta sa Tsina.

Kaugnay nito, idineklara kamakailan ng World Health Organization (WHO) ang naturang epidemiya bilang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC). Ipinagdiinan nitong layon ng nasabing designasyon na ibayo pang pasiglahin ang yamang pandaigdig, upang harapin ang epidemiyang naturan, at ipagkaloob ang kinakailangang tulong na pandaigdig sa mga bansang may mahinang sistemang pangkalusugan o di-sapat na kakayahan sa kalusugang pampubliko.

Bilang pinakamalaking maunlad na bansa, nangunguna sa buong mundo ang Amerika sa larangang medikal.

Pero hanggang ngayon, hindi pa ito nagkakaloob ng anumang substansiyal na tulong sa panig Tsino.

Sa halip, ito ang unang bansang nagpabalik ng mga tauhan mula sa konsulada nito sa Wuhan, at pinaka-una ring nagharap ng kahilingan upang pabalikin ang ilan pa nitong tauhan mula sa iba pang embahada sa Tsina.

Unang ipinatalastas nito ang pagsasagawa ng komprehensibong kabawalan sa pagpasok ng mga mamamayang Tsino sa Amerika, at walang humpay na nilikha at pinalaganap ang takot sa daigdig.

Ang sobrang reaksyon ng Amerika ay hindi lamang salungat sa mungkahi ng WHO, kundi hadlang din sa kooperasyong pandaigdig laban sa epidemiya.

Walang kinikilalang hanggahan ang virus, kaya naman kailangang-kailangan ang magkasamang pagpupunyagi ng lahat ng mga bansa, upang puksain ang epidemiyang ito.

Ipinahayag nitong Martes, Pebrero 4, 2020 ng WHO na ang epidemiya ng 2019-nCov ay hindi nagbunga ng malawakang pagkalat hanggang ngayon.

Nasa Lalawigang Hubei lang ang karamihan sa mga kumpirmadong kaso ng pagkahawa sa virus, at ito rin ang pinagmumulan ng karamihan ng mga kumpirmadong kaso sa labas ng lalawigan, maging sa ibayong dagat.

Iminungkahi ng WHO na kasabay ng maagang pagtuklas, pagkuwarentenas, at paggamot sa mga maysakit, importante ang pagpapatigil sa mga tsismis at pekeng impormasyon kaugnay ng epidemiya.

Tulad ng sabi ni Michael Schumann, Tagapangulo ng German Federal Association for Economic Development and Foreign Trade (BWA): "kapag tunay ang simpatiya at hangarin ng pagbibigay-tulong, saka lamang maaalis ang takot. Kung mawawala ang humanidad sa harap ng epidemiya at hamon, di-tayo magwawagi sa laban kontra sakit.

Salin: Vera

Please select the login method