Tsina, pababain ang taripa sa ilang produktong aangkatin mula sa Amerika

Share with:

Mula alas-1 ng hapon, Pebrero 14, 2020, pabababain ng 50% ng Tsina ang taripa sa mga panindang angkatin mula sa Amerika na nagkakahalaga ng 75 bilyong dolyares.

Ang impormasyong ito ay inilabas Huwebes, Pebrero 6, 2020 ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina. Layon nitong mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika.

Para sa mga panindang pinatawan ng 10% taripa mula noong Setyembre 1, 2019, pabababain ang taripa nito sa 5%; at para sa mga panindang pinatawan ng 5% taripa, pabababain ang taripa sa 2.5%.

Salin: Vera

Please select the login method