Tsina, umaasang ituturing ito ng NATO bilang kaibigan

Share with:

Ipinahayag Pebrero 17,2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang kanyang bansa na magkakaroon ng tamang pananaw ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) hinggil sa Tsina, at ituturing ng NATO ang Tsina bilang kaibigan at partner.

Sa pagtatagpo noong Pebrero 14, 2020, nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim Jens Stoltenberg ng NATO, ipinahayag ni Stoltenberg na hindi itinuring na kalaban ng NATO ang Tsina.

Nakahanda aniya ang NATO na palakasin ang relasyon sa Tsina.

Hinggil dito, binigyan-diin ni Geng na napapanatili ng Tsina ang estratehiya ng mapayapang kooperasyon at win-win cooperation.

Pinupuri aniya ng Tsina ang naturang pakikitungo ni Stoltenberg.

Nakahanda ang Tsina na walang humpay na palakasin ang pakikipagdiyalogo at pakikipagkooperasyon sa NATO batay sa pantay na pundasyon, dagdag niya.

Salin:Sarah

Please select the login method