Nag-usap nitong Huwebes, Pebrero 27, 2020 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Khaltmaa Battulga ng Mongolia.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, puspusang pinupuksa ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at tinanggap ang suporta at tulong ng pamahalaan at mga mamamayan ng Mongolia. Aniya, si Pangulong Battulga ay unang dayuhang lider na dumalaw sa Tsina pagkaraang maganap ang epidemiya, bagay na nagpapakita ng pagpapahalaga niya sa relasyong Sino-Mongolian at malalimang pagkakaibigan sa mga mamamayang Tsino. Saad ni Xi, nagtutulungan ang dalawang bansa, sa harap ng mga kahirapan.
Ipinahayag naman ni Battulga na bilang mapagkaibigang kapitbansa ng Tsina, nakahanda ang mga mamamayang Mogolian na harapin, kasama ng mga kaibigang Tsino, ang iba't ibang hamon at kahirapan, sa kasalukuyang espesyal na panahon.
Salin: Vera