Tinanggal na nitong Sabado, Marso 14, 2020, ng pamahalaan ng Kazakhstan ang Tsina at Timog Korea sa listahan ng mga bansang pinakamalubhang apektado ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Batay sa lebel ng kalagayang epidemiko ng COVID-19 sa iba't-ibang bansa, ginawa ng Ministri ng Kalusugan ng Kazakhstan ang nasabing listahan para mapigilan ang epidemiya.
Ayon dito, isinasagawa ang katugong hakbangin sa mga mamamayan ng iba't-ibang bansa.
Nauna rito, ang Tsina, Timog Korea, Iran, at Italya ay nasa naturang listahan.
Mula noong Marso 8, ipinagbabawal ng Kazakhstan ang pagpasok sa bansa ng mga mamamayan ng nasabing apat na bansa.
Salin: Lito