Pangulong Xi ng Tsina at PM ng Espanya, nag-usap sa telepono. Tsina handang tumulong

Share with:

Nag-usap sa telepono Marso 17, 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Pedro Sanchez ng Espanya.

Ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng pamahalaang Tsino at mga mamamayan ng Tsina, ang pakikiramay sa Espanya sa harap ng pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Binigyan-diin ni Xi na nakahanda ang Tsina na isagawa ang pakikipagkooperasyon sa iba't ibang bansa at ipagkaloob hangga't makakaya ang tulong para sa magkakasamang paglaban sa epidemiya.

Salin:Sarah

Please select the login method