FAO: Dapat pigilan ang krisis ng pagkain na dulot ng COVID-19 pandemic

Share with:

Nanawagan si Qu Dongyu, Pangkalahatang Kalihim ng Food and Agriculture Organization ng United Nations (FAO) sa buong daigdig na agarang isagawa ang mga hakbang upang maiwasan ang krisis ng pagkain na dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa artikulo, sa kasalukuyan walang epekto ang epidemiya sa kaligtasan ng supply ng pagkain. Pero ang walang katiyakang kalagayan ng suplay ng pagkain ay posibleng magtulak sa mga taong nasa poder na magsagawa ng limitasyon ng kalakalan para mapangalagaan ang kaligtasan ng pagkain ng sariling bansa. Ang pangyayaring ito ay lalong magpapalala ng krisis, ayon sa karanasan ng krisis ng pagkain ng buong mundo na naganap noong 2007-2008.

Salin:Sarah

Please select the login method