Mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 ng Tsina, patas sa mga Tsino at dayuhan

Share with:

Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-13 ng Abril 2020, sa Beijing, ni Wang Bin, opisyal ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na pantay ang mga mamamayang Tsino at dayuhan pagdating sa pagpapasunod sa mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.

Dagdag ni Wang, ang mga hakbangin laban sa epidemiya ay isinasagawa ng panig Tsino alinsunod sa mga batas ng bansa, na gaya ng Batas sa Pagpigil at Pagkontrol sa mga Nakahahawang Sakit, Regulations on Preparedness for and Response to Emergent Public Health Hazards, at Frontier Health and Quarantine Law.

Salin: Liu Kai

Please select the login method