Pangulo ng Tsina at Serbiya, nag-usap sa telepono; Serbia hindi malilimutan ang ayuda ng Tsina sa panahong pinakakinakailangan

Share with:

Nag-usap sa telepono Abril 14, 2020, sina Pangulong Xi Jinping at Aleksandar Vučić, Pangulo ng Serbiya.

Tinukoy ni Xi na malalim ang ugnayan ng Tsina at Serbiya. Naiparating sa Tsina ang matinding hamon sa COVID-19 na kinakaharap ng Serbiya. Nangako ang lider Tsino na patuloy na ipagkakaloob ang tulong at suporta sa Serbiya. Nananalig ang Tsina na sa pamumuno ng pangulo, tiyak na magtatagumpay ang mga mamamayan ng Serbiya laban sa epidemiya sa lalong madaling panahon.

pinahayag ni Vučić na kontrolado na ng Tsina ang epidemiya at pinapurihan ito ng Serbiya. Sa panahong lubos na nahihirapan ang Serbiya, tumulong ang Tsina, partikular na, ang pagdating ng grupo ng dalubhasang medikal na Tsino sa Serbiya. Hindi ito malilimutan ng Serbiya.

Salin:Sarah

Please select the login method