Pangulo ng Tsino at Kyrgyzstan, nag-usap; Tsina patuloy na magbibigay-tulong

Share with:

Nag-usap sa telepono Abril 14, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sooronbai Jêênbekov ng Kyrgyzstan.

Tinukoy ni Xi na ang pagkalat ng COVID-19 ay nagdulot ng napakalaking banta sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Komprehensibong nalaman ng Tsina ang kahirapan na kinakaharap ng Kyrgyzstan. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga mamamayan ng Kyrgyzstan, para labanan ang epidemiya. Patuloy na ipinagkakaloob ng Tsina ang tulong sa Kyrgyzstan, ibabahagi ang karanasan sa pagpigil ng epidemiya, at ipapadala ang dalubhasang medikal sa Kyrgyzstan. Nananalig ang Tsina na tiyak na magtatagumpay ang Kyrgyzstan sa laban nito kontra COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Ipinahayag naman ni Jêênbekov na natamo ng Tsina ang mahalagang bunga sa paglaban sa COVID-19, na ibinibigay nito ang napakalaking suporta at gumaganap ng namumunong papel sa pandaigdigang laban sa COVID-19, at pinupuri ito ng Kyrgyzstan.

Nakahanda ang Kyrgyzstan na patuloy na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa agrikultura at ibang larangan, magkasamang itatag ang "Belt and Road", at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad n may pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.

Salin:Sarah

Please select the login method