Bubuksan sa darating na Mayo 22 sa Beijing, ang ika-3 sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresyong Bayan (NPC) ng Tsina, kataas-taasang lehislatura ng bansa.
Ang desisyong ito ay inilabas ngayong araw, Miyerkules, ika-29 ng Abril 2020, ng Pirmihang Lupon ng NPC.
Ayon sa naturang lupon, sa kasalukuyan, bumubuti ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 epidemic sa Tsina, at napapanumbalik ang normal na takbo ng kabuhayan, lipunan, at pamumuhay. Handa na anito ang mga kalagayan para idaos ang taunang sesyon ng NPC sa angkop na panahon.
Sa araw ring ito, inilabas naman ng ika-13 National Committee ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ang iskedyul, na magsisimula sa darating na Mayo 21 ang ika-3 sesyon nito.
Nauna rito, dahil sa COVID-19 epidemic, ipinagpaliban ang mga sesyon ng NPC at CPPCC na nakatakda sanang idaos noong Marso.
Salin: Liu Kai