Tsina sa Amerika: itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng bansa sa pamamagitan ng isyung panrelihiyon

Share with:

Hinimok Miyerkules, Abril 29, 2020 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Amerika na igalang ang pundamental na katotohanan, at itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng ulat na may kinalaman sa isyung panrelihiyon taun-taon.

Inilabas kamakailan ng United States Commission on International Religious Freedom ang taunang ulat sa 2020, na bumabatikos sa kalagayan ng di-umano ay kalayaang panrelihiyon ng Tsina.

Diin ni Geng, ang Tsina ay bansang pinangangasiwaan batay sa batas.

Aniya, pinangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang kalayaang panrelihiyon ng mga mamamayan, at tinatamasa ng mga mamamayan ng iba't ibang lahi ng Tsina ang lubos na kalayaang panrelihiyon, alinsunod sa batas.

Saad niya, sa kasalukuyan, halos 200 milyon ang iba't ibang mananampalataya sa Tsina, mahigit 380,000 ang clerical personnel, halos 5,500 ang mga grupong panrelihiyon, at lampas sa 140,000 ang mga rehistradong lugar para sa mga aktibidad na panrelihiyon.

Salin: Vera

Please select the login method