Sa bukas na okasyon noong 2015, binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang You Zi Yin (Song of a Parting Son), tula mula sa panahon ng Dinastiyang Tang.
Nilalarawan sa tula ang pagmamalasakit ng ina sa kanyang anak na lumisan papunta sa malayong lugar, at pasasalamat ng anak sa kanyang ina.
Sa pamamagitan ng pagbigkas ng tulang ito, ipinahayag ni Xi ang pasasalamat sa kanyang inang si Qi Xin, na laging nagmamahal sa mga anak.
1. Noong bata pa si Xi, binili ng kanyang ina ang aklat tungkol kay Yue Fei, isang pambansang bayani ng Dinastiya ng Katimugang Song.
Isinalaysay ni Nanay Qi kay Xi, ang istorya kung bakit "Itinato ng Ina ni Yue Fei ang mga Karakter sa Kanyang Balat."
Dahil dito, tumatak sa puso ni Xi ang apat na salitang "Jing Zhong Bao Guo (buong-pusong katapatan sa paglilingkod sa bansa)."
Ang mga salitang ito ang naging haligi ng mga hangarin ni Xi sa kanyang buong buhay.
2. Habang nanunungkulan bilang pangalawang premyer Tsino mula noong 1959 hanggang 1962, abala-abala si Xi Zhongxun, ama ni Xi Jinping sa trabaho.
Kaya, si Nanay Qi ang pangunahing nag-alaga sa apat na anak.
3. Minsa'y sinabi ni Nanay Qi, na bilang mga magulang, dapat ipakita ang magagandang ideya ng moralidad sa mga bata para bigyan sila ng patnubay tungo sa pagkakaroon ng katapatan, prinsipyo at dignidad.
Ito ani Xi, ay nakakatulong sa mga bata na magkaroon ng mabuting puso at magpapasulong sa kanilang malusog na paglaki upang maging kapaki-pakinabang na tao para sa bansa at mga mamamayan.
4. Noong 1962, inimbestigahan at sinuspinde sa puwesto ang ama ni Xi, dahil sa isyung pulitikal.
Dahil dito, kinailangang lumipat ni Xi Jinping sa isang mahirap na nayon sa lalawigang Shaanxi.
Samantala, ipinadala si Nanay Qi sa isang sakahan sa lalawigang Henan para magtrabaho.
Kahit malayo sa anak, ginawa ni Nanay Qi ang isang bag na gawa sa tela para kay Xi, kung saan ibinurda niya ang tatlong Karakter Tsinong nangangahulugang "puso ng nanay."
5. Noong bakasyon ng Spring Festival, taong 2001, dahil sa kanyang trabaho bilang gobernador ng lalawigang Fujian sa katimugan ng Tsina, hindi nakauwi si Xi Jinping sa Beijing para makasama ang kanyang mga magulang.
Sa kanilang pag-uusap sa telepono, sinabi ni Nanay Qi kay Xi na ang kanyang masigasig na trabaho ang pinakamagandang pagpapahayag ng pagmamahal sa mga magulang at kanyang pinakamalaking responsibilidad sa pamilya.
6. Sa istante ng mga aklat ni Xi Jinping, may isang larawan kung saan makikitang lumalakad ang anak habang hawak ang kamay ng kanyang inang si Qi Xin, sa loob ng parke.
Ang larawang ito ay kumakatok sa puso ng napakaraming tao.
Salin: Liu Kai