Ang kasalukuyang taon ay taon ng pagsasakatuparan ng pagpawi sa karalitaan at komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan ng Tsina.
Nitong nagdaang 45 araw, magkakasunod na naglakbay-suri si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa Lalawigang Zhejiang, Shaanxi at Shanxi.
Sa nasabing tatlong biyahe, pinag-ukulan ng pansin ni Xi ang pagbibigay-priyoridad sa ekolohiya at berdeng pag-unlad.
Sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, maraming beses na inilabas ni Xi ang mahahalagang patnubay sa ilang pangyayaring grabeng nakapinsala sa kapaligirang ekolohikal, at hiniling na seryosong siyasatin at parusahan ang mga may kagagawan.
Aniya, ito ay upang maigarantiya ang pangmalayuang pag-unlad ng Nasyong Tsino.
Napakalinaw na ipinapahayag ng nasabing tatlong paglalakbay-suri, na kahit gaano kahirap ang kalagayan, kahit gaano katindi ang hamon, buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng berdeng pag-unlad.
Salin: Vera