Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, 2020 kay Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dahil sa napakahirap na pagsisikap, mabisang nakontrol ang kalagayang epidemiko sa Tsina at Timog Korea.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Timog Koreano sa mga larangang tulad ng magkakasanib na pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at pagsubok-yari ng mga gamot at bakuna.
Dagdag pa ni Xi, patuloy na dumarami ang mga komong kapakanan ng dalawang bansa sa mga aspektong kinabibilangan ng pagsasakatuparan ng komong kaunlaran at kasaganaan, pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon, at pangangalaga sa multilateralismo at malayang kalakalan.
Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang pagpapaunlad sa relasyon sa Timog Korea.
Ipinahayag naman ni Moon Jae-in ang kahandaan ng panig Timog Koreano na ipagpatuloy ang pakikipagkoordina at pakikipagtulungan sa panig Tsino para mapatingkad ang positibong papel sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtitiwalaan ng komunidad ng daigdig, at pagtatagumpay sa epidemiya.
Salin: Lito