Panukalang resolusyon ukol sa COVID-19, iniharap ng mga bansa sa WHA; panig Tsino, umaasang pagtitibayin at ipapatupad ang resolusyon

Share with:

Sinabi nitong Martes, Mayo 19, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na aktibong sumali ang Tsina sa pagsasanggunian ng panukalang resolusyon hinggil sa kalagayan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic. Umaasa aniya siyang pagtitibayin ng Ika-73 World Health Assembly (WHA) ang nasabing resolusyon, at komprehensibo't tumpak na ipapatupad ito.

Napag-alamang iniharap ng mahigit 120 bansang gaya ng Rusya, Hapon, India, Brazil, Australia at Unyong Europeo ang panukalang resolusyon hinggil sa kalagayan ng COVID-19 pandemic sa WHA.

Isinalaysay ni Zhao na malinaw na kinikilala at sinusuportahan ng nasabing resolusyon ang pagpapatingkad ng World Health Organization (WHO) ng masusing namumunong papel. Aniya, nanawagan din ito sa mga kasaping bansa na pigilan ang pagtatangi, bigyang-dagok ang mga maling impormasyon, palakasin ang kooperasyon, at isagawa ang pagtasa sa mga gawain ng WHO sa pagharap sa epidemiya, sa angkop na panahon.

Saad ni Zhao, ang lahat ng mga ito ay angkop sa paninindigan ng panig Tsino, at ito rin ang komong hangarin ng karamihan ng mga bansa ng komunidad ng daigdig.

Salin: Vera

Please select the login method