Sesyon ng CPPCC, binuksan sa Beijing

Share with:

Sesyon ng CPPCC, binuksan sa Beijing

Binuksan ngayong araw, Huwebes, ika-21 ng Mayo 2020, sa Beijing, ang ika-3 sesyon ng Ika-13 National Committee ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).

Nakatakda itong ganapin sa maagang petsa pero dahil sa COVID-19 pandemic, ini-urong ito ngayong araw.

Dumalo sa opening meeting si Xi Jinping at ibang mga lider ng partido at estado ng Tsina.

Sesyon ng CPPCC, binuksan sa Beijing

Sa simula ng pulong, tahimik na nagluksa ang lahat ng mga kalahok, para sa mga kababayang nasawi sa COVID-19 at mga frontliner na nagbuwis ng buhay sa paglaban sa sakit na ito.

Pagkatapos, binasa ni Wang Yang, Tagapangulo ng National Committee ng CPPCC ang work report ng Standing Committee ng CPPCC National Committee.

Bilang pagpapatupad sa regular na proseso ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, tatagal lamang ng 7 araw ang kasalukuyang sesyon, na mas maikli kaysa nakatakdang iskedyul.

Kaugnay nito, babawasan ang mga pulong plenaryo at grupu-grupong pulong, samantalang, idaraos naman ang isang pulong plenaryo sa pamamagitan ng video link.

Salin: Liu Kai

Please select the login method