Binuksan ngayong araw, Biyernes, ika-22 ng Mayo 2020, sa Beijing, ang ika-3 sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Nakatakda itong ganapin noong Marso, pero dahil sa COVID-19 pandemic, ini-urong ito ngayong araw.
Lumahok sa opening meeting ang 2897 deputado ng NPC.
Sa simula ng pulong, tahimik na nagluksa ang lahat ng mga kalahok, para sa mga kababayang nasawi sa COVID-19 at mga frontliner na nagbuwis ng buhay sa paglaban sa sakit na ito.
Pagkatapos, babasahin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang government work report.
Salin: Liu Kai