Ekspertong medikal na Tsino: pagpuksa sa COVID-19, kailangan pa ng panahon

Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong plenaryo sa sesyon ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) na idinaos kahapon, Linggo, ika-24 ng Mayo 2020, sinabi ni Margaret Chan, kagawad ng CPPCC at dating Direktor Heneral ng World Health Organization, na hindi pa lubos ang pagkaunawa sa mekanismo ng novel coronavirus, at nasa yugto pa rin ng pagdedebelop ang mga gamot at bakuna.

Kaya aniya, kinakailangan pa ang panahon, bago tuluyang mabigyang-wakas ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Chan, na kung ihahambing sa ibang mga virus, malakas ang novel coronavirus sa kapwa aspekto ng pagkalat at paghantong sa pagkamatay.

Ito aniya ang "pinakatusong" virus hanggang sa kasalukuyan.

Nagbabala siyang, kung paluluwagin ang pag-iingat, at hindi aktibong isasagawa ang mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol, malubhang kapahamakan ang maaaring kahantungan.

Salin: Liu Kai

Please select the login method