Ipininid ngayong araw, Miyerkules, ika-27 ng Mayo 2020, sa Beijing ang ika-3 sesyon ng ika-13 National Committee ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Dumalo sa closing meeting si Xi Jinping at ibang mga lider ng partido at estado ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Wang Yang, Tagapangulo ng CPPCC, na sa pamamagitan ng sistema ng sosyalistang demokrasya at pagsasangguniang pampulitika, patuloy na ino-organisa ng CPPCC ang mga partidong pulitikal, paksyon ng lipunan, at personahe mula sa iba't ibang sektor, para talakayin ang mga suliraning pang-estado at iharap ang mga kuro-kuro at mungkahi.
Ito aniya ay para magbigay-ambag sa pagsasakatuparan ng mga pangunahing tungkulin sa taong ito, na kinabibilangan ng pagpawi ng karalitaan, pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas, at iba pa.
Salin: Liu Kai