Sa virtual press conference Huwebes, Mayo 28, 2020, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat buuin ang marketisado, legalisado, at internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo, alisin ang mga di-makatwirang hadlang, para hayaan ang mga bahay-kalakal na isagawa ang makatarungang kompetisyon.
Diin ni Li, dapat pasulungin ang pag-usbong ng mga bagong lakas-panulak at bagong market subject, at buuin ang kayarian na may komong kasaganaan at kaunlaran ang mga malalaki, katamtaman at maliliit na bahay-kalakal.
Salin: Vera