CMG Komentaryo: Pagkamatay ni George Floyd, nagpapakita ng malubhang diskriminasyong panlahi sa Amerika

Share with:

Ipinakikita ng pagkamatay ni George Floyd, isang African-American, ang maubhang diskriminasyong panlahi sa Amerika.

Si Floyd ay namatay, Mayo 26, 2020, Minneapolis, Minnesota, dahil sa marahas na pagpapatupad ng batas ng mga pulis.

Kaugnay nito, sinabi ni Michelle Bachelet, United Nations High Commissioner for Human Rights, na ito ang pinakahuling insidente sa mahabang listahan ng pagpatay sa mga di-armadong African-American na ginawa ng mga pulis o miyembro ng lipunan ng Amerika.

Sa ilalim ng presyur ng publiko, ang pulis na kasangkot sa pagkamatay ni Floyd ay tinanggal sa posisyon at isinakdal sa kasalanang pagpatay.

Pero, hindi nito napawi ang galit ng mga tao.

Nagaganap sa Minneapolis ang demonstrasyon bilang pagtutol sa diskriminasyong panlahi, at kumakalat ito sa marami pang lunsod ng Amerika, na kinabibilangan ng New York, Los Angeles, at iba pa.

Batay sa survey na ginawa noong 2019 ng Pew Research Center, mahigit 40% ng mga Amerikano ang may palagay na malayo pa ang Amerika sa pagbibigay ng pantay na karapatan sa iba't ibang lahi.

Sinabi naman ng halos 60% ng mga Amerikano, na masama sa kabuuan ang relasyon ng iba't ibang lahi sa Amerika.

Ayon naman sa halos dalawang-katlo ng mga respondent, madalas na nakakaranas ng diskriminasyong panlahi ang mga African American, kapag nakikipag-ugnay sa mga opisyal mula sa mga departamento ng pagpapatupad ng batas at hudikatura.

Ang diskriminasyong panlahi sa Amerika ay kitang-kita sa isyu ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa ulat ng American media, ang kapwa ratio ng mga Latin-American at African-American na nahawahan at namatay sa COVID-19 ay mas mataas kaysa ratio ng mga puting Amerikano.

Paulit-ulit namang ginamit ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang terminong "Wuhan virus," at humantong ito sa diskriminasyon sa mga Asyano at Asian-American sa bansa.

Pinalalala ng diskriminasyong panlahi ang antagonismo na umiiral sa Amerika.

Hindi ito kayang lutasin ng mga politikong Amerikano, bagkus, sinusulsulan pa nila ito para sa sariling mga interes na pulitikal.

Ang di-karapat-dapat na pagkamatay ni George Floyd at mararahas na protesta sa maraming lugar sa Amerika ay resulta ng paghahasik ng poot at pagkakawatak sa isyung panlahi ng ilang politikong Amerikano.

Salin: Liu Kai

Please select the login method