Ipinagdiriwang ngayong araw ang International Children's Day.
Sa bisperas ng kapistahang ito, ipinahayag ng maraming bata ang kani-kanilang hangarin.
Ayon kay Xu Huantong, isang batang taga-Changsha, Lalawigang Hunan, hangad niyang magpalipad ng saranggola sa asul na langit at puting ulap.
Sabi naman ni Liu Yanbo ng Lalawigang Liao Ning, pangarap niyang bumalik sa paaralan at maglaro, kasama ang mga kaibigan.
Samantala, sa kanyang paglaki, gusto ni Chen Wenhua, isang batang babae mula sa Beijing, na maging doktor dahil nais niyang tulungan ang mga may-sakit, tulad ng ginagawa ng mga doktor ngayong may COVID-19 pandemic.
Bilang pagbati sa mga batang Tsino, ginawa ng China Media Group ang espesyal na programang may temang "kapistahan natin."
Isasahimpapawid ang nasabing programa mamamayang gabi, sa pamamagitan ng cloud platform.
Salin: Vera