Ayon sa ulat ng media ng Minneapolis, mahaharap sa kasong second-degree murder si Derek Chauvin, pulis na nakapatay sa African-American na si George Floyd dahil sa pag-ipit sa leeg ng huli sa pamamagitan ng tuhod.
Ayon pa sa ulat, isasakdal din ang iba pang tatlong pulis na naroon nang mangyari ang insidente.
Noong Mayo 29, inaresto si Chauvin dahil sa salang third-degree murder at second-degree involuntary manslaughter.
Bukod dito, ipinatalastas nitong Martes ng Estadong Minnesota ang paghaharap ng sakdal na may kaugnayan sa karapatang sibil sa Minneapolis Police Department (MPD).
Iimbestigahan din ang hinggil sa kung mayroon bang sistematikong diskriminasyon sa mga taong hindi nabibilang sa lahing Caucasian.
Salin: Vera