94.3%, recovery rate ng COVID-19 sa Tsina

Share with:

Ayon sa dokumentong ipinalabas Linggo, Hunyo 7, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na tinaguriang "Aksyon ng Tsina sa Pakikibaka laban sa COVID-19," hanggang 24:00H, Mayo 31, 2020, umabot sa 83,017 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, 78,307 ang kabuuang bilang ng gumaling, at 4,634 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ayon dito, nasa 94.3% ang recovery rate, at 5.6% naman ang mortality rate ng epidemiyang ito sa Tsina.

Salin: Lito

Please select the login method