Ayon sa dokumentong ipinalabas Linggo, Hunyo 7, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na tinaguriang "Aksyon ng Tsina sa Pakikibaka laban sa COVID-19," tinukoy nito na sa proseso ng pakikibaka ng bansa laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ilang milyong tauhang medikal ay nagpunyagi sa harapang linya ng pakikibaka ng buong bansa laban sa epidemiya.
Anang white paper, mula mga academician at eksperto sa edad 70 pataas hanggang mga batang tauhang medikal edad 30 pababa, matapat at walang alinlangang hinarap ng lahat ang banta ng epidemiya.
Isiniwalat pa nito na sa proseso ng pakikibaka laban sa epidemiya, mahigit 2,000 tauhang medikal ng Tsina ang nahawa sa COVID-19, at ilampu ang nagsakripisyo ng kanilang buhay.
Salin: Lito