Ginanap nitong Huwebes, Hunyo 11, 2020 ang video meeting nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.
Saad ni Li, ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic ay nagkaroon ng epekto sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Alemanya, pero patuloy na susulong ang kooperasyon ng dalawang panig.
Aniya, dapat magkasamang pangalagaan ng magkabilang panig ang multilateralismo, at pasulungin ang liberalisasyon at pagpapadali ng kalakalan at pamumuhunan.
Dagdag niya, pinag-iibayo ng Tsina ang pagbubukas, at nakahandang ipagkaloob ang mainam na kapaligirang pangnegosyo para sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa sa Tsina,
Dapat aniya palawakin ng dalawang bansa ang bidireksyonal na pagbubukas, at magkasamang pangalagaan ang seguridad at katatagan ng industry chain at supply chain.
Manunungkulan ang Alemanya bilang tagapangulong bansa ng Unyong Europeo (EU). Kaugnay nito, diin ni Li, nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang pakikipagpalitan sa panig Europeo sa mataas na antas, at pasulungin ang kooperasyon, upang mas mainam na isakatuparan ang komong kaunlaran.
Saad naman ni Merkel na isinagawa ng Tsina at Alemanya ang mainam na kooperasyon sa aspekto ng paglaban sa pandemiya. Winewelkam aniya ng panig Aleman ang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas, at patuloy na pasusulungin ang kooperasyon nila ng Tsina sa iba't ibang larangan.
Salin: Vera