Sa pinakahuling Global Economic Prospects, ipinahayag ng World Bank na dahil sa epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang pinakamalubhang recession mula noong World War II. Pero, ipinalalagay din ng WB na mapapanatili ng kabuhayang Tsino ang paglaki.
Iniulat din Hunyo 8, 2020 ng Consumer News and Business Channel (CNBC) ng Amerika na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang maraming bansa, pero mapapanatili din ang paglaki ng kabuhayan ng ilang bansa na kinabibilangan ng Tsina.
Sinabi ng ulat ng Reuters ng Britanya na tumatahak ang kabuhayang Tsino sa landas ng matatag na pag-unlad sa panahon ng post-pandemic.
Iniulat din Hunyo 8 ng Cable News Network (CNN) na lumitaw ang palatandaan ng recovery ng kabuhayang Tsino sa maraming aspekto.
Sinipi Hunyo 10 ng New York Times (NYT) ang pananalita ni Julian Evans-Pritchard ng Capital Economics na nagsasabing patuloy na lalalaki ang saklaw ng kredit ng Tsina sa darating na ilang buwan dahil sa maluwag nitong patakaran ng pananalapi.
Salin: Sarah