Ika-5 Pulong ng China-Cambodia Intergovernmental Coordination Committee, gaganapin sa pamamagitan ng video link

Share with:

Ipinahayag sa Beijing nitong Lunes, Hunyo 15, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na magkasamang pangunguluhan Hunyo 16 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Ministro ng Cambodia ang Ika-5 Pulong ng China-Cambodia Intergovernmental Coordination Committee. Gaganapin ang pulong sa pamamagitan ng video link.

Ani Zhao, umaasa ang panig Tsino na sa pamamagitan ng nasabing pulong, lalagumin ng panig Tsino kasama ng panig Kambodyano, ang kalagayan ng pagsasakatuparan ng plano ng aksyon ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa noong isang taon.

Bukod dito, magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan para mapalakas ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan tungo sa normalisasyon ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.

Salin: Lito

Please select the login method