Nang kapanayamin Hunyo 15, 2020, ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Wu Zunyou, Dalubhasa ng Chinese Center For Disease Control and Prevention (CDC), na mayroong dalawang posibilidad sa pinagmulan ng outbreak ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Xinfadi Market ng Beijing: una, pumasok sa Beijing ang virus sa pamamagitan ng paninda; ikalawa, kumalat ito sa pamamagitan ng nakakahawahang tao.
Ipinalalagay ni Wu ,na walang anumang kaso ng COVID-19 sa Beijing nitong nakaraang dalawang buwan. Kaya aniya sa pinakamalaking posibilidad, ang virus sa Xinfadi market ay galing sa labas ng Beijing. Sinabi ni Wu, na pagkaraang ihambing ang kasalukuyang virus strain sa Beijing sa mga virus strain sa iba't ibang lugar ng Tsina at daigdig, ipinakita ng resulta na ito ay mula sa Europa. Pero hindi kumpirmado kung anong bansa ang pinagmulan nito.
Ipinalalagay ni Wu na ang bilang ng mga lilitaw na kaso sa Beijing sa darating na 3 araw ay magiging batayan ng kalalabasan ng epidemiyang ito. Aniya, kung walang malaking pagtaas ng bilang, hindi lalaki ang saklaw ng epidemiyang ito.
Salin:Sarah