Nagsimula online noong Hunyo 15, 2020 at tatagal hanggang Hunyo 24, ang Ika-127 China Import and Export Fair o mas kilala bilang Canton Fair.
Ipinahayag ng mga kalahok na kinakaharap ng kalakalang panlabas ang bagong hamon, pero dinulot din nito ang bagong pagkakataon para sa reporma at pag-unlad ng mga negosyo.
Ipinakita ng opisyal na website ng Conton Fair ang makabagong webpage upang magkaloob ng serbisyo, partikular na, para sa online na perya sa taong ito. Sa webpage na ito, mayroong 50 online exhibition zones na kinabibilangan ng 16 uri ng paninda. Maaaring i-upload ng mga kalahok na kumpanya ang kanilang paninda sa pamamagitan ng larawan, video at maraming iba pang paraan.
Ipinahayag ni Xu Guoqing, Manager ng Kingcamp&Outdoor Products CO. Ltd. ng Beijing, na ang online exhibition ay hamon para sa mga negosyo. Pero ipinahayag din niya na dapat sinusubaybayan ng mga negosyante ang pagbabago ng pamilihan para isaayos ang estratehiya ng pamamahala.
Sinabi din ni Ling Jinjuan, kawani ng Changsha Xiangjia Metal Material Company na ang online na Canton Fair ay isang pagkakataon. Isinaalang-alang ng kompanya na isagawa ang normalisasyon ng mga online na pagbebenta, na kinabibilangan ng live broadcast at ibang online na paraan sa susunod na hakbang para harapin ang di-kumpirmadong kalagayan ng pamilihan sa hinaharap.
Salin:Sarah