Kaugnay ng pag-eere ng China Global Television Network (CGTN) ng dokumentaryo sa wikang Ingles, na pinamagatang "Tianshan Still Standing - Memories of Fighting Terrorism in Xinjiang," sinabi kahapon, Biyernes, ika-19 ng Hunyo 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng dokumentaryong ito, malalaman ng mga manonood ang kahalagahan ng mga gawain laban sa terorismo at ekstrimismo sa Xinjiang, at ang malaking pagsisikap ng panig Tsino para sa mga gawaing ito.
Samantala, sinabi ni Zhao, na sa kabila ng mga katotohanang napigilang maganap ang madalas na mga teroristikong aktibidad sa Xinjiang at isinusulong ang katatagan at kasaganaan sa lugar, paulit-ulit at walang batayang tinutuligsa ng Amerika ang mga patakaran ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang at kalagayan ng karapatang pantao sa lugar na ito, at ginawa kamakailan ang Uygur Human Rights Policy Act of 2020.
Ipinahayag ni Zhao ang buong tatag na pagtutol ng panig Tsino sa naturang aksyon ng panig Amerikano. Dagdag niya, dapat itigil ng Amerika ang paggamit ng isyu ng Xinjiang, para makialam sa suliraning panloob ng Tsina, siraan ang imahe ng Tsina, at hadlangan ang pag-unlad ng Tsina.
Salin: Liu Kai