Mga lider na Tsino at Dutch, nagpalitan ng pagbati kaugnay ng pagsilang ng giant panda

Share with:

Nakipagpalitan ng mensahe kamakailan sina Pangulong Xi Jinping at First Lady Peng Liyuan ng Tsina, kina Haring Willem-Alexander at Reyna Maxima ng Netherlands, kaugnay ng panganganak ng giant panda na si Wu Wen sa nasabing bansa.

Sinabi nina Xi at Peng, na ang bagong silang na giant panda ay bunga ng pagkakaibigan ng Tsina at Netherlands, at tagumpay rin ng bilateral na kooperasyon sa pangangalaga sa biodiberesidad.

Sinabi naman ng Hari at Reyna ng Netherlands, na ang pagsilang ng giant panda ay palatandaan ng mabungang relasyon ng Netherlands at Tsina, at ambag din sa kayamanang biolohikal.

Binigyan din ng dalawang panig ng positibong pagtasa ang kanilang kooperasyon bilang tugon sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Netherlands.

Salin: Liu Kai

Please select the login method