CDC: posibleng 10 beses na mas marami ang tunay na bilang ng mga nahawahan ng COVID-19 sa Amerika, kumpara sa ulat

Share with:

Patuloy ang paglala ng kalagayang epidemiko sa Amerika.

Dahil dito, ipinahayag kamakailan ni Robert Redfield, Direktor ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, na sa kasalukuyan, posibleng di-kukulangin sa 240 milyong Amerikano ang nahawahan na ng corona virus.

Aniya, ang tunay na bilang ng mga nahawahan ay posibleng sampung beses na mas marami kumpara sa ulat.

Ayon sa pinakahuling estadistika ng Johns Hopkins University tungkol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hanggang 17:00H, Hunyo 27, 2020 (Eastern Standard Time, EST), lumampas na sa 2.5 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, samantalang mahigit 120,000 naman ang namatay.

Dahil sa mahigpit na kalagayang epidemiko sa Amerika, sinuspendi o ipinagliban ng 11 estado ang plano ng pagpapanumbalik (pagpapanumbalik ng ano?).

Ayon sa pagtaya ni Redfield, hanggang sa kasalukuyan, halos 5% hanggang 8% na mamamayang Amerikano ang nahawahan na ng corona virus.

Sinabi niya na ipinakikita ng nasabing datos na ang Amerika ay nananatili pa ring maagang yugto ng kalagayang epidemiko. Kailangang patuloy na magsikap ang mga tao para mapigilan ang pagkalat ng virus, dagdag niya.

Salin: Lito

Please select the login method