5 hakbangin na ipinalabas ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa pagbubukas sa labas, naisakatuparan na

Share with:

5 hakbangin na ipinalabas ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa pagbubukas sa labas, naisakatuparan na

Noong Hunyo 28, 2019, sa Osaka ng Hapon, lumahok si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Ika-14 na Summit ng mga lider ng G20.

Sa kanyang talumpati na pinamagatang "Working Together to Build a High-Quality World Economy"binanggit ni Pangulong Xi ang 5 mahalagang hakbangin ng Tsina hinggil sa pagbubukas sa labas.

Matapos ang isang taon, kahit nananalasa pa rin ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sunud-sunod na naisakatuparan ng Tsina ang naturang 5 hakbangin.

Unang una, mabilis na pinasulong ng Tsina ang pagbubukas ng pamilihan.

Ilang araw pagkatapos ng Osaka Summit, ipinalabas ng Tsina ang 2019 bersyon ng negative lists for foreign investment market access ng bansa, at negative lists for foreign investment market access ng testing zone ng malayang kalakalan.

Noong Hunyo 24, 2020, ipinalabas ng Tsina ang 2020 bersyon ng naturang dalawang listahan.

Bukod dito, opisyal na isinapubliko noong unang araw ng Hunyoang Pangkalahatang Plano ng Konstruksyon ng Malayang Puwerto ng Kalakalan ng Hainan.

Samantala, ibinaba ng Tsina, mula noong unang araw ng Enero 2020, ang taripa sa ilang paninda.

Natamo ang maraming bunga sa Ikalawang China International Import Expo(CIIE); at sa kasalukuyan, maayos na inihahanda ang ikatlong CIIE.

Pangmatagalang pinabuti ng Tsina ang kapaligiran ng kalakalan ng negosyo.

Opsiyal na nagkabisa noong unang araw ng taong 2020 ang Foreign Investment Law of The People's Republic of China at mga regulasyong nito.

Nakita ng daigdig ang bungang natamo ng Tsina.

Ayon sa Ulat sa Kapaligiran ng Negosyo sa 2020 na ipinalabas ng World Bank, nasa ika-31 puwesto ang kapaligiran ng negosyo ng Tsina sa lahat ng 190 ekonomiya ng mundo.

Sa mula't mula pa'y, nagsisikap ang Tsina para isagawa ang pantay na trato sa mga kompanya.

Sa naturang batas na ipinalabas ng Tsina noong unang dako ng taong ito, maliwanag na itinakda na dapat pantay na pakitunguhan ang mga kompanyang may puhunang panloob at panlabas.

Buong lakas na pinasulong ng Tsina ang talastasan ng kabuhayan at kalakalan.

Natamo ang malaking progreso sa talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) noong Nobyembre ng 2019; idinaos noong Hunyo 2020, ang video meeting ng RCEP sa ministeryal na antas, at ipinasiya ng mga kalahok na sila ay lalo pang magsisikap para malagdaan ang kasunduan sa loob ng taong ito.

Bukod dito, sa Ika-22 pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Unyong Europeo (EU) na idinaos nauna rito, inulit din ng mga lider ng Tsina at EU na dapat magkakasamang magsikap para marating ang kasunduan ng pamumuhunan ng Tsina at EU sa 2020.

Sinamantala ng Tsina ang pagkakataon para sa mas malawak na pagbubukas; natamo ang win-win situation sa mas mabuting kooperasyon.

Ang pagbubukas at pagtutulungan ay pangako ng Tsina sa daigdig, at ito rin ay aktuwal na aksyon ng mga mamamayang Tsino.

Salin:Sarah

Please select the login method