Di maihihiwalay ang puwersa ng mga kabataan sa unang linya ng pagpuksa ng karalitaan ng Tsina. Si Wang Mengmeng, kalihim ng pangkalahatang sangay ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa nayong Xikong, bayang Dingyuan ng lunsod Chuzhou, probinsyang Anhui ng Tsina, ay ginawaran ng China Youth Wusi Medal ng Tsina sa kasalukuyang taon. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Hefei University of Technology noong Hulyo, 2013, sa halip na magtrabaho sa malaking lunsod, nagpunta si Wang sa nayong Xikong para pamunuan ang lahat ng mga residente doon sa pagpawi ng karalitaan sa pamamagitan ng "sarilinang inobasyon" at "pagbibigay-tulong sa pamamagitan ng mga industriya."
Si Wang Mengmeng
Simula ng kumalat ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa kasalukuyang taon, di makalabas sa nayon ang ilang maralitang residente para maghanap-buhay. Binibigyan ng pinakamalaking pagpapahalaga ni Wang Mengmeng kung paanong maigagarantiya ang kanilang pundamental na pamumuhay. Kasabay ng pagpapahigpit ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, walang humpay na pinag-isipan ni Wang kung paano mapalalaki ang kita ng mga taganayon.
Ayon kay Meng, noong panahong iyon, dahil sa epidemiya, di-puwedeng makalabas ang mahigit 90 mahirap na pamilya sa nayong ito, at naputol ang kanilang kita. Noong panahong iyon, isinagawa ng probinsyang Anhui ang woody oil forest project. Upang hikayatin ang mga residente sa pagtatanim ng woody oil forest, binigyang-subsidy ng bayang Dingyuan ang mga nagtatanim ng ganitong kagubatan. Pinamunuan ni Wang ang mga mahirap na pamilya sa nayong Xikong sa pagpapaunlad ng proyektong ito upang maisakatuparan ang matatag na pagpuksa ng karalitaan doon.
Sapul nang maganap ang epidemiya, agaran at aktibong nakilahok si Wang sa gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at paggarantiya sa pamumuhay ng mga residente. Sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap nina Wang, mga kadre, at mga residente ng nayon, walang residente sa nayong Xikong ang nahawa ng corona virus. Tinulungan din niya ang mga bahay-kalakal sa paglutas sa mga problemang gaya ng kakulangan ng materiyal na medikal at lakas-manggagawa. Bunga nito, nagkaroon ng trabaho ang mga mahirap na residente ng nayon.
Si Ding Hongchun
Ayon kay Ding Hongchun, namamahalang tauhan ng poverty alleviation workshop ng Chunhong Dress ng bayang Dingyuan, na sa proseso ng pakikibaka laban sa epidemiya, madalas na pumunta si Wang Mengmeng sa kanyang workshop para alamin ang aktuwal na kalagayan nito.
Tiyak na matatapos ang epidemiya, ngunit di dapat suspendihin ang hakbang ng mga residente sa pagpuksa ng karalitaan at pagiging mayaman. Pinag-ukulan pa ng pansin ni Wang ang industriya ng prutas na may katangiang lokal, at ipinasiya niyang isagawa ang rekonstruksyon at pag-u-upgrade sa Wanxu modern agricultural park na pangunahing pinanggagalingan ng kita ng kolektibong kabuhayan ng nayong Xikong. Makaraang isagawa ang planong ito, makakaya nitong ipagkaloob ang trabaho sa mahigit 20 mahirap na pamilya. Kung nakikita ang nagaganap na pagbabago sa mga residenteng minsa'y "hiningi sa aking umahon sila sa karalitaan" hanggang kasalukuyang "nais kong umahon sa karalitaan," napakaligaya ni Wang Mengmeng.
Nitong limang taong nakalipas, naisakatuparan ng 135 mahirap na pamilya sa nayong Xikong ang pagpawi ng karalitaan. Ang susunod na plano ni Wang ay gagamitin ang modernong agrikultura bilang plataporma para mapaunlad ang rural tourism at mas mabuting mapatibay at maigarantiya ang natamong bunga sa pagpuksa sa karalitaan.
Salin: Lito