Ipinahayag Hulyo 2, 2020, dito sa Beijing, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, sinusuportahan ng Tsina ang resolusyon sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na pinagtibay ng United Nations Security Council (UNSC).
Sinabi ni Zhao na ang resolusyong ito ay mahalagang bunga ng UN at UNSC, ito rin ay tagumpay ng multilateralismo.
Ayon sa ulat, pinagtibay Hulyo 1, 2020, ng UNSC ang resolusyon hinggil sa COVID-19, na sumusuporta sa kasunduan ng tigil-putukan sa buong mundo na iniharap ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN. Nanawagan din itong dapat palakasin ang mga makataong tulong.
Tinukoy ni Zhao na nanawagan ang Tsina sa iba't ibang panig na isagawa ang ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, suportahan ang multilateralismo, at dapat magkaisa ang buong mundo para harapin ang epidemiya. Binigyan-diin niyang nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng iba't ibang panig, para suportahan ang UNSC na patuloy na patingkarin ang sariling papel.
Salin:Sarah