Sa kanyang panayam kamakailan sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Carlos Larrea, Embahador ng Ecuador, na nasaksihan niya ang kakayahan ng Tsina sa paglaban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at ipinagkaloob ng Tsina ang mahalagang karanasan para sa komunidad ng daigdig.
Ipinahayag ni Carlos na kahit malayo ang heograpikal na distansya ng Tsina at Ecuador, ang kasaganaan at kaligayahan ay komong mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ang taong ito ay Ika-99 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at ito rin ang Ika-40 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Ecuador.
Sinabi niya na sa pamumuno ng CPC, natamo ng Tsina ang dakilang bunga sa pag-unlad ng bansa.
Salin:Sarah