Mungkahi sa pagpapalawak ng G7 Summit, di-kumpleto kung di-kalahok ang Tsina — Rusya

Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Sergei Ryabkov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, na di-kumpleto ang kasalukuyang mungkahi sa ekspansyon ng G7 Summit.

Aniya, hindi alam ng Rusya kung paano hahawakan ng tagapagbalangkas ng planong ito ang isyung may kaugnayan sa Tsina.

Dahil sa magkaka-ugnay na pagtalakay at pagharap ng kasalukuyang daigdig sa anumang isyu, hindi maaaring mawala ang Tsina, dagdag pa niya.

Sa epekto ng COVID-19, ipinagpaliban sa darating na Setyembre ang G7 Summit na nakatakda sanang idaos noong katapusan ng nagdaang Hunyo.

Noong Mayo 30, ipinahayag ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang plano sa pag-imbita sa mga bansang gaya ng Rusya, Timog Korea, Australia, India, at Brazil sa G7 Summit.

Salin: Lito

Please select the login method