Ipinadala kamakailan ni Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang liham bilang sagot kay Antoinette Sassou N'guesso, First Lady ng Republika ng Congo, at ang mensahe sa mga first lady ng ibang bansang Aprikano, bilang pasasalamat sa ibinigay na suporta ng mga bansang Aprikano sa mga mamamayang Tsino sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
File photo shows Chinese President Xi Jinping (2nd R), his wife Peng Liyuan (1st R) posing for a group photo with Republic of Congo President Denis Sassou N'guesso (2nd L) and his wife Antoinette Sassou N'guesso(1st L) in Beijing, capital of China, July 5, 2016. (Xinhua/Yao Dawei)
Saad ni Peng, biglaang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, at napakahalaga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang bansa para sa pagpuksa ng pandemiya.
Aniya, sa pamamagitan ng Organization of African First Ladies for Development (OAFLAD), mag-aabuloy ang pamahalaang Tsino ng isang pangkat ng materyal kontra-pandemiya sa 53 bansa ng Aprika, para tulungan ang mga kababaihan, bata at kabataan.
China's medical supplies for 18 African countries arrive at the Kotota International Airport in Accra, capital of Ghana, April 6, 2020. (Xinhua/Xu Zheng)
Nauna rito, ipinadala ni Antoinette Sassou N'guesso ang liham kay Peng, kung saan kaniyang ipinahayag ang lubos na paghanga sa ginawang papel ng Tsina sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19. Sa ngalan ng OAFLAD, hiniling niyang bigyang pansin ng panig Tsino ang grupo ng mga kababaihan, bata at kabataan sa Aprika, at magkaloob ng materyal na medikal sa kanila.
Salin: Vera