ASEAN, pinakamalaking trade partner ng Tsina

Share with:

Kasunod ng paghalili ng Amerika bilang ikalawang pinakamalaking trade partner ng Tsina noong isang taon, dulot ng pagkalat ng COVID-19 sa buong daigdig, ibayo pang tumaas ang lebel ng trade partnership ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina.

Noong unang hati ng 2020, ang ASEAN ang siya nangpinakamalaking trade parner ng Tsina.

Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, umabot sa halos 2.1 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at ASEAN, at ito ay katumbas ng 14.7% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina.

Samantala sa panahong iyon, bumaba ng 1.8% ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina at Unyong Europeo (EU), at bumaba rin ng 6.6% ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at Amerika.

Bakit ang ASEAN ang siya na ngayong pinakamalaking trade partner ng Tsina?

Ayon kay Li Kuiwen, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ito ay bunga ng mabuting pangkalahatang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa rehiyong ito.

Aniya, nitong ilang taong nakalipas, sustenableng lumalalim ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN, nagiging mas mahigpit ang koneksyon ng kanilang industrial chains, at matatag na lumalaki ang kanilang bilateral na kalakalan.

Kasalukuyang kumakalat pa rin ang COVID-19 pandemic sa buong mundo, at nananatiling mahigpit ang situwasyon sa mga bansang gaya ng Amerika.

Salamat sa koordinadong kilos sa rehiyong ito, ipinakikita ng ASEAN ang pag-asa, sariling kakayahan, at mabuting bunga ng kooperasyon.

Idinaos noong Pebrero 3 ng ASEAN at Tsina, Hapon, at Timog Korea ang Virtual Meeting ng mga Mataas na Opisyal na Pangkalusugan, at noong Pebrero 20, idinaos ang Espesyal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN tungkol sa COVID-19.

Sa magkakasanib na pahayag na inilabas noong Marso 14 sa Espesyal na Pulong ng mga Lider ng ASEAN, at Tsina, Hapon, at Timog Korea, isinaayos ng mga lider ng iba't-ibang bansang ASEAN ang mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at pagpapanumbalik ng kabuhayan.

ASEAN, pinakamalaking trade partner ng Tsina

2020 China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Digital Economic Cooperation Year

Sa pamamagitan ng video link, binuksan noong Hunyo 12, 2020 ang 2020 China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Digital Economic Cooperation Year na may temang "pagtitipun-tipon ng katalinhan at puwersa sa pakikibaka laban sa COVID-19, paghahanap ng komong kaunlaran sa pamamagitan ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win result."

Kung babalik-tanawin ang dating panahon, sa Asian financial crisis noong 1997 at global financial crisis noong 2008, nagkakaroon ng malakas na kooperasyon ang Tsina at mga bansang ASEAN pagkatapos ng bawat krisis.

Mula kasalukuyang COVID-19 pandemic, batid ng Tsina at ASEAN ang kahalagahan ng pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran.

Salin: Lito

Please select the login method