Ayon sa estadistikang inilabas ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang hati ng taong 2020, kahit bumaba ng 3.2% ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina, ang pagbaba nito ay mas maliit ng 3.3% kaysa noong unang kuwarter.
Kabilang dito, kapuwa naisakatuparan ang positibong paglago sa pag-aangkat at pagluluwas noong Hunyo, at kauna-unahan ito sa kasalukuyang taon.
Ipinalalagay ng mga dalubhasa na sa huling hati ng taong ito, may kakayahan ang kalakalang panlabas ng bansa na panatilihin ang tunguhin ng pagbangon, pero dapat palakasin ang rehiyonal na kooperasyong ekonomiko, upang mapagtagumpayan ang mga hamon.
Ipinalalagay ni Zhang Yongjun, Pangalawang Punong Ekonomista ng China Center for International Economic Exchanges (CCIEE), na ang mga datos ng kalakalang panlabas noong unang hati ng taong ito, lalong lalo na, ang mga datos ng Hunyo, ay lubos na nagpapakita ng malaking kakayahan ng kabuhayang Tsino upang umahon, at ito rin ay dahil sa kumpletong sistemang industriyal ng bansa.
Dagdag niya, dapat panatilihin ang pag-iingat sa kalagayan ng pagluluwas sa ika-3 kuwarter, at huwag maging labis na optimistiko.
Sa tingin naman ni Chen Wenling, Punong Ekonomista ng CCIEE, na kayang panatilihin ng Tsina ang mainam na tunguhin ng kalakalang panlabas.
Pero tinukoy rin niyang sa huling hati ng taong ito, mahaharap ang kalakalang panlabas sa maraming hamon, at dapat mataimtim at mabisang harapin ang mga ito.
Salin: Vera