Sa high-level segment ng United Nations Economic and Social Council on "Multilateralism After COVID-19: What kind of UN do we need at the 75th anniversary?", tinukoy ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ang pagkalat ng COVID-19 ay lubos na nagpapakita ng pangangailangan ng pagpapalakas at pagpapatupad ng multilateralismo.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Lunes, Hulyo 20, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na buong tatag na tahakin kasama ng komunidad ng daigdig, ang tumpak na landas ng multilateralismo para magkakasamang harapin ang mga hamong gaya ng epidemiya at mapasulong ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Salin: Lito